Bawal Nang Mag-impok ng Barya

Isan panukalang batas ang inihain ni Senator Lito Lapid sa Senado na nagpapataw ng parusa sa sinumang mag-iimpok o magtatago ng barya. Aba naman talaga! Nung nabasa ko to sa Yahoo! News, napa-ODK sabay banayad na P.I. nya ako. Anong klaseng batas to?


Ipinanukala niya na mumultahan ng Php100,000 at makukulong ng isang taon ang sinumang mahuhuli at mapapatunayang nagtatago ng isanglibong piso pataas na barya. Kapag naisabatas na ito, pupwede nang kumpiskahin ng gobyerno ang mga barya para magamit nito.

O diyos ko, what is happening in the Senado? Ako'y gulong gulo, tulungan nyo po ako! So pag pumasa yan, bawal na rin magbenta ng malalaking alkansya. Bawal na rin ang paboritong past time ng mga super pinoy na super bumirit sa mga bijoke machine. Bawal na rin ang Automated Tubig Machine. Oh my gulay, ibang klase rin si Leon Guerrero. Minsan lang yan mag ingay sa Senado, pero masasabi ko lang, ito na ang pinaka-stupid na narining kong panukala!

Tatakbo pa kaya sya sa susunod na eleksyon? Babatuhin ko sya ng alkansya pag nagkataon.

0 comments:

Post a Comment