KaGAGAhan over Gaga

Eto na naman tayo mga kontrobersi people. Today na ang concert ni Lady Gaga, at ang aating mga "relihiyosong" mga kababayan ay nagpoprotesta laban dito. Dapat daw i-ban si Gaga sa Pinas, kasi masamang image daw, nakakasakit sa mga Katolikong deboto, debota, dorobo, at doroba. Satanista daw kasi sya, dahil dun sa mga kanta nya, lalo na ang "Judas" at "Alejandro". Nakakainsulto din daw yung pananamit nya, sobra daw kasing ikli, ba't daw di na lang mag-belo.

ODK naman. Bakit sina Cristine Reyes? Ang Lady Gaga ng Pinas na si Jolina? Si Anne Curtis na tuwang tuwa sa pagsusuot ng ala-Gagang attire? Ba't sila hinahayaan lang nila? Dapat araw araw silang nag rarally sa tapat ng mga Philippine TV networks! Nakakahiya tuloy e. Sasabihin pa ng iba nyan, ganyan pala mga "Pinoy". Aba tanginang yan, damay kami! Hooooy! Mga ipokrito't ipokrita!

Sa tingin ko, papansin lang naman talaga ginagawa nila e, para mapag usapan lang. Para maging topic of the day. Waaaalaaanghiyaaaa. 

Teka, i-kowt natin si MartinNievera, ang galing ng sinabi nnya
Kung ako ‘yan, papalitan ko lyrics ko, kung talagang offensive lyrics ko, parang directed sa ibang bagay,” singer Martin Nievera said. “Sana gawin din ni Lady Gaga ‘yun, sana mag-adjust siya sa Christianity natin.
Nakakatawa di ba? Galing yan sa isang taong sinikap sumikat sa Amerika pero walang nangyari. Lagi na lang, lagi na lang. Di naman siguro magiging satanista ang mga tao paglabas galing konsert. Di naman siguro sila magsusunog ng Bible pagkatapos makarinig ng kanta? OA kasi e.


Sana man lang, hayaan nyo na yan. Kung kayo naniniwala sa kalayaan ng pagpapahayag gaya ng ginagawa nyo, sa ngalan ng kabanalan, hayaan nyo ring gawin yan ng iba.

0 comments:

Post a Comment