Nakakaburong Panimula

Ang blog na ito ay ginawa ko dahil minsan, dumarating sa ating masalimuot na buhay ang pagka-umay sa salitang puro ingles. Minsan kasi, gusto ko magtagalog o mag tag-lis (tagalog-ingglis), pero di ko magawa sa kabilang blog ko dahil you know alam mo na, karamihan daw sa mga kaluluwang naliligaw ddun ay porenjers!

Kung ang mga sosyalero't sosyalerang pinoy ay may "OMG!" kapag nagugulat, nasasabik, o namamangha, ako naman ay banayad lang na napapamura sabay "ODK!". O ano, kuha mo na ano ang ODK? Kung mahina ka talaga, o sige na, ODK ang pinoy counterpart ng OMG. "O diyos ko!" o, "Oh my god!", in english. Napa "Oohhh" ka siguro yes? Ganun lang, ganun kasimple.

Kung babasahin mo't iintindihin sa mas malawak na pagkakaintindi ang pangalawang paragraph, obyus na obyus na ako'y isang mahirap na blogger lamang. Walang trabaho. Walang kotse. Walang sariling bahay. Pero ayos lang yun, dahil alam ko mismo na wala ako nun, at dahil dun, masaya ako. Chos!

Sa mga unang kaluluwang maliligaw, binabati ko kayo. Sana'y hindi sa isang pagkakataon lang tayo magkita-kita dito, please lang, balikan nyo rin ako. Libre lahat dito, kung wala kang makausap, handa akong magbasa sa mga ikukumento mo. Libre dito tumambay. Libre manlait (pero wag sagaran), libre ang matulog at libre rin ang aral na makukuha. Naks!

0 comments:

Post a Comment