Isang taon mula ngayon, eleksyon na naman. Magpapabango at magbabait-baitan na naman ang mga trapo (TRAditional POliticians) sa mga tao, kasi naman, madaling yumaman pag nasa posisyon ka. Sasabihing gustong maglingkod sa bayan, shoes ko po, nakakadiri nang pakinggan. Beri suck-ses-fool business kasi ang pulitika, mabilis ang pera, pangmatagalan, pang big time! Kaya tingnan nyo sila, nagpaparamdam na, sa TV, sa mga pagpupulong, sa mga palengke, aysus, sarap kutusan eh. Siguro napanood nyo na to ano?
Siya ho ay abogado. 'Pag natalo ho tayo sa kasong ito at pag bumalik siya sa pribadong sektor, pag-iinitan ng mga hindi diretso ang lakad na hukom. Kaya wag po nating kalimutan si Sonny Angara. Talagang 'yung mga lumalaban para sa atin.
Galing sumegwey di ba? Waley na waley si Vice Ewan. Siguro naman alam nyo na bakit sya ikinampanya ni Pnoy? Siya lang naman ang isa sa mga abugadong nagsasakdal sa mortal kombat enemy ni Pnoy na si Corona. Naiisip ko nga minsan, ano pa kaya ibang suhol ang matatanggap ng mga abugado ng prosekusyon mula kay Pnoy? Tingin nyo? Ai teka, meron din pala syang pahabol
Ibabalik ko dito si Joel next year, sana maalala niyo pa ho.
Hala hala halaaaaa. Sino si Joel? TESDA Director pala! O diyos ko naman, sana lang sa darating na eleksyon, mag isip isip nang mabuti. Buti na lang sana kung nauuna ang pagsisisi. Tulad ngayon, sising sisi sila kung bakit nila binoto si kwan.
0 comments:
Post a Comment