ODK! Tinago?

click to see image credit

Nung dekada sitenta, usap-usapan ang ipinatayong puting "dingding" o harang sa gilid ng mga kalsada sa Maynila para matakpan ang mga "dumi" o iskwater. Para daw di makita nung mga dumating na seksing chikas na kasali sa Miss U. Nagpagawa din sya ng isang kastilyong yari sa mga pinutol na puno ng niyog para daw dun manuluyan ang Santo Papa at mapalayo sa pinakamaruming bahagi ng siyudad.

Ngayon, year 2012, pinabakuran ng ating mga butihing lideres ng Maynila ang isang creek sa may airport para di makita ng mga delegates ng Asian Development Bank ang maruming ilog at mga nakatirang iskwater dito.

Teka, ano nga ba pinunta ng ADB big men dito? Hindi ba upang pag-usapan ang pagresolba ng mga problema?

Kung pagtatakpan mo ang problema, ano pa ba ang ireresolba?

0 comments:

Post a Comment